Koleksiyon ng POM sumobra
Umaabot sa P881 mil yon ang sobra sa koleksiyon ng Port of Manila (POM) ngayong buwan ng Hulyo sa pamamahala ni POM District Collector Horacio P. Suansing, Jr.
Ayon kay Suansing, nakolekta ngayon buwan ang P8.3 B samantalang ang target lamang ng tanggapan ay P7.5 B. Indikasyon ito ng magandang koleksyon na mayroong 11.76 porsiyento.
Sinabi ni Suansing, ang maganda at maayos na koleksiyon ay bunsod na rin ng kautusan ni Pangulong Arroyo na imbestigahan ang mga anomalya para sa tamang koleksiyon ng buwis.
Nabatid pa kay Suansing na minamanmanan din nila ang operasyon ng Customs Bonded Warehouses (CBWs) upang maiwasang magamit ito na sangay ng mga smuggled goods. Napag-alaman na umaabot sa 24 CBW na ang naipasara ni Suansing sa loob lamang ng anim na buwan bunga na rin ng paglabag sa CMO 39-91 at kahilingan ng mga may-ari dahil na rin sa kawalan ng mga foreign buyer. (Doris Franche)
- Latest
- Trending