^

Bansa

Full military honors sa napatay na Marine Corporal sa Basilan

-

Bilang pagkilala sa kabayanihan at katapa­ngan sa pagtupad sa tung­kulin, ginawaran kahapon ng ‘full military honors’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Marine Corporal Angelo Abeto, isa sa tatlong sundalong na­patay sa pakikipagbak­bakan sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Tipo-tipo, Basilan noong Lunes.

Si Abeto ay tinamaan ng bala ng mortar sa ulo at likod subalit naghintay pa umano ng apat na oras bago nailipad patungong Zamboanga City para mabigyan ng medical assistance. 

Masama naman ang loob ng AFP sa bintang na napabayaan ng militar si Cpl. Abeto kaya namatay.  

“I think we should give it to our soldiers to die with dignity,” pahayag naman ni Brigadier Gen. Jorge Se­go­via, acting Chief of the Armed Forces Command Center na nagsabing foul umano ang pagpapakita sa telebisyon ng paghihi­rap ng nasabing Marine Corporal dahil lubha itong masakit para sa pamilya nito, ka­ mag-anak at mga kaibigan.

“We would like to remember our soldiers for their heroism, not their suffering,” giit ng opisyal. 

Una rito, sinisi ng Phil. Air Force sa masamang lagay ng panahon ang pagkakaantala ng pagpa­padala nila ng Huey helicopter. (Joy Cantos)  

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BRIGADIER GEN

CHIEF OF THE ARMED FORCES COMMAND CENTER

JORGE SE

JOY CANTOS

MARINE CORPORAL

MARINE CORPORAL ANGELO ABETO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with