^

Bansa

Rollback hanggang Setyembre!

- Edwin Balasa, Angie dela Cruz -

Panibagong rollback ang ipinatupad kahapon ng maliliit na kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo bun­sod ng patuloy na pagbaba ng presyo nito sa pandaig­digang pamilihan.  

Alas-2 ng hapon ng simulang magbawas ng P1 kada litro ng Unioil at Flying V ang presyo ng kanilang diesel, kerosene at gasoline na sinundan naman ng Eastern Petroleum at Seaoil dakong alas-6 kagabi.

Bandang hatinggabi naman nagbaba ng presyo ang Shell, Petron at Chevron.

Ang rollback ay bunsod sa patuloy na pagbaba ng presyo ng petrolyo sa world market na ngayon ay umaabot na lang sa $114 kada bariles mula sa pina­kamataas na presyo nitong $140 noong Hunyo.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa P3.50 ang ibinaba sa presyo ng ga­solina sa loob lang ng tatlong linggo subalit barya ito kung ikukumpara sa P17 hanggang P23 itinaas ngayong taon.

Samantala, ayon kay Ramon Villavicencio, pre­sidente ng Flying V, aabot sa hanggang P5 kada litro ang posibleng ibaba pa ng presyo ng petrolyo nga­yong Setyembre dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga nito sa world market. 

Pero, minaliit lamang ng Piston ang nasabing rollback. Lubhang napaka­baba anila ng P1.00 ga­yong ma­ laki na ang ibi­naba ng Dubai crude na siyang pinagbaba­tayan ng lokal na presyuhan ng petroleum products sa bansa.

Nais ni Piston Secretary General George San Mateo na P7.00 at isang bagsa­ kang rollback ang ipatupad sa presyo ng krudo.

Sa ngayon, umaabot na sa P58 kada litro ang halaga ng gasolina at P56 kada litro naman sa diesel.

BANDANG

EASTERN PETROLEUM

FLYING V

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

PRESYO

RAMON VILLAVICENCIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with