Isang Israeli-American National ang isinailalim sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI) dahilan sa pambabastos sa mga consul ng Philippine Embassy.
Si Albert Rosenfeld ay pinagbawalang makapasok sa bansa bunsod na rin ng kahilingan ng Dept. of Foreign Affairs (DFA).
Nagpalabas na rin ng circular ang DFA na nag-aatas sa lahat ng embahada at konsulado ng Pilipinas sa abroad na huwag bigyan ng Philippine Visa si Rosenfeld.
Batay sa ulat, nagalit si Rosenfeld nang pakiusapan siya ng staff ng Philippine Embassy na umupo sa waiting area habang pinoproseso ang Philippine Passport ng kanyang anak. Nagmalaki umano ang naturang Israeli na isa siyang doktor at may malakas na koneksyon sa mga pulitiko gaya ni dating Pangulong Ramos at kaya niyang ipasibak ang mga tauhan ng Embahada kung kanyang nanaisin. (Gemma Amargo-Garcia)