Dalawang barangay sa Sumisip, Basilan ang idi neklara ng Commission on elections na nagkaroon ng “failure of elections”.
Sinabi ni Comelec chairman Jose Melo na dineklara ang failure of elections sa naturang lugar matapos na magkaroon ng ballot snatching habang ibinibiyahe ang mga urna patungo sa mga polling precincts ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan.
Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Tumahubong at Baiwas na mayroong 1,896 na mga rehistradong botante.
Patuloy namang inaalam ng Comelec kung magtatakda pa ng special elections sa dalawang barangay.
Inatasan ni Melo ang Provincial Election Officer na hilingin na lamang ang serbisyo ng mga tauhan ng Philippine National Police para manilbihang BEI’s. (Gemma Amargo Garcia)