^

Bansa

MOA-AD pangmatagalang kapayapaan

-

Pangmatagalang kapa­ yapaan sa Mindanao ang hatid ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagi­tan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito, ayon kay Cotabato Archbishop Orlando Que­ve­do ay kung titingnan ng mas malawak na pang-unawa ang kasunduan.  

“No matter how one looks at it, the MOA-AD is a remarkable document. It is a serious attempt to balance national sovereignty and Bansamoro aspirations for self-determination and freedom,” ani Quevedo.

Ngunit sa hindi mala­mang kadahilanan biglang inaksiyunan ng Korte Su­pre­­ma ang petisyon ni Cota­ bato Vice Gov. Manny Pinol at pansaman­ta­lang ipi­natigil ang paglagda sa MOA.

Una nang nagpahayag ang constitutionalist at Ateneo Law School dean emeritus na si Fr. Joaquin Bernas, S.J. na wa­ lang da­pat ipangamba ang taum­bayan sa pagsa­sa­bing “the MOA is nothing but a piece of paper” na ka­ilangan ng aksyon sa lehis­latura, pag­babago sa Sali­gang Batas at pagsasa­gawa ng ple­besito 12 buwan matapos ang pag­lagda.

Samantala, nagpaha­yag ng pagkadis­maya ang ilang Mindanao-based peace groups kay Sen. Mar Roxas na ayon sa kanila ay malamang na gi­nagamit lamang ng mam­ba­batas ang kanyang mga atake sa MOA upang ma­ka­agaw pan­sin sa media at makali­bre ng publi­sidad sa kan­yang 2010 ambitions.

“Nakakalungkot na mag­ salita si Roxas laban sa merito ng MOA-AD dahil alam nating lahat na dating peace negotiator ng pama­halaan ang kanyang chief adviser ngayon na si Silves­tre Afable,” wika pa ng gru­po. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANCESTRAL DOMAIN

BUTCH QUEJADA

COTABATO ARCHBISHOP ORLANDO QUE

JOAQUIN BERNAS

KORTE SU

PARAGRAPHTYLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with