^

Bansa

Taas-presyo sa harina, tinapay inatras na

-

Kinumpirma kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na magtataas pa ang mga panadero sa presyo ng pandesal at anumang uri ng tinapay makaraang hindi na rin itutuloy pa ng mga flour millers ang planong taas-presyo sa harina.

Ayon kay DTI Under­ secretary Zenaida Mag­laya, naging matagumpay ang pag-uusap na nama­gitan sa ahensiya, mga flour millers at mga pana­dero kung saan napag­kasunduan na walang ma­gaganap na pagtaas sa presyo kapwa sa tinapay at harina.

Nilinaw umano ng ahen­siya sa mga flour millers na walang sapat na basehan para sa flour price hike.

Binanggit pa ni Maglaya na hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na sampahan ng kaukulang kaso ang sinumang ne­gosyante na magtataas sa presyo ng harina. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BINANGGIT

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

KINUMPIRMA

MAGLAYA

NILINAW

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

ZENAIDA MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with