73,848 pamilya sa Caloocan may access card na

Bilang paghahanda sa “No Access Card, No Rice” policy ng pamaha­laan sa Setyembre, ibinalita kaha­pon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na 73,848 pa­milyang kabilang sa mga pinakamahihirap ang naka­tak­dang makinabang sa family access card.

Ayon kay Echiverri, binigyang prayoridad ng Caloocan City Social Welfare Department (CS­WD) ang pagkumpleto ng listahan upang masiguro na pawang mga mahihirap na pamilya lamang o yung kumikita ng mababa sa P5,000 kada buwan ang pangunahing makabibili ng P18.25/kilo ng NFA rice.

Idinagdag pa ni Echi­verri na 51 barangay, mula sa kabuuang 188 ang itinuring na priority areas ng CSWD para sa murang bigas ng NFA.

Nais ni Echiverri na mabigyan pa ng P2.25 diskwento ng pamaha­laang lungsod ang mura nang NFA rice upang lalo pang mapababa ang pre­syo nito sa P16/kilo para sa mahihirap na residente. (Lordeth Bonilla)

Show comments