Ito ang mariing panawagan kahapon ng Minda- nao Commission on Women (MCW), Mothers for Peace (MFP) at Mindanao Peaceweavers (MPW) sa pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay na rin ng kontrobersyal na isyu ng Bangsamoro Juridical Entity (BJE) na napapaloob sa naharang na Memorandum of Agreement –Ancestral Domain (MOA-AD) signing sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto 5.
Ayon sa grupo, sa halip umanong magbangayan at magsisihan ang mga opisyal ng pamahalaan at mga local na opisyal mula sa North Cotabato, Iligan City sa Lanao del Norte, Isabela City sa Basilan at Zamboanga City ay mas makabubuting magharap ang mga ito sa isang mapayapang dayalogo para maresolba ang problema.
Kasabay nito, nanawagan ang MPW, isang koalisyon ng peace groups sa Mindanao Region na dapat magpakahinahon ang mga kinauukulan at hinikayat rin ang GRP at MILF na iwasan ang anumang aksyon na makapagpapalala ng kasalukuyang tension sa Mindanao. Gayundin ay dapat na obserbahan ng security forces ng pamahalaan at ng MILF ang ceasefire agreement para maiwasan ang bakbakan.
Sinabi ng mga ito na ang inisyung Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa naturang MOA ay isang malaking dagok sa prosesong pangkapayapaan ng GRP sa hanay ng MILF rebels.
Nanawagan rin ang mga ito sa mga lider ng relihiyon sa bansa na magsilbing instrumento para buk-san ang isipan ng mga tao sa mga isyu kahalintulad ng naturang BJE.
Ipinunto pa ng mga ito na ultimong sina Mindanao Archbishops Orlando Quevedo ng Cotabato City at Antonio Ledesma ng Cagayan de Oro City ay naniniwalang isang positibong daan sa ikatatamo ng kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao ang kinuku- westiyong MOA-Ancestral Domain. (Joy Cantos)