Umaabot sa 174 mga bagong anti-drug agents ang nanumpa kahapon ng kanilang tungkulin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ikatlong batch ng mga ahente na pangunahing susugpo sa salot na iligal na droga sa bansa.
Sinabi ni PDEA Director General Dionisio Santiago Jr. na ang 174 mga bagong operatiba ang natira sa 2,800 mga aplikante buhat sa iba’t ibang panig ng bansa matapos na isalang sa masusing screening process.
Kabilang sa mga pag susuri na dinaanan ng mga aplikante ang neuro examinations, mental tests at agility tests. Maituturing rin na mga propesyunal ang mga bagong ahente dahil sa kuwalipikasyon na kailangang tapos ng kurso sa kolehiyo at pasado sa professional examination ng Civil Service Examination.
Sinabi ni Santiago na nagawa nilang makapag-recruit ng mga ahente dahil sa inilaang P1 bilyong pondo na ibinigay ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) para sa mga ahensya ng pamahalaan. (Danilo Garcia)