Mindanao ginugulo raw, Esperon pinasisibak!
Pinasisibak ng mga senador si Presidential Adviser on Peace Process Hermogenes Esperon Jr. dahil sa kapalpakan nito sa panukalang kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamumuwersa sa mga taga-Min danao na suportahan ang Memorandum of Agreement (MOA) on ancestral domain para sa pagtatayo ng Bangsamoro Juridicial Entity (BJE) sa rehiyon ng Mindanao.
Naniniwala ang mga senador na hindi na dapat magtagal pa sa kanyang posisyon si Esperon dahil sa pinasok na kasunduan sa MILF na posibleng maging daan upang maging magulo ang
“Hinihingi ko kay Pangulong Arroyo na sibakin na si General Hermogenes Esperon bilang Presidential Adviser on the Peace Process,” ani Sen. Mar Roxas.
Kinondena rin nina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Sen. Francis Escudero at Sen. Panfilo Lacson ang pambabraso ni Esperon upang masunod ang kagustuhan ng Malacañang mailusot ang peace accord.
Alinsunod sa nasabing MOA, mahigit 700 barangay sa
Nagbanta pa umano si Esperon kay North Cotabato Vice Gov. Emmanuel “Manny” Pinol na kapag na-TRO ang MOA ay walang tulong na maibibigay ang gobyerno kapag nanggulo ang MILF sa balwarte ng mga ito.
Sinabi ni Escudero na hindi maganda kung totoong tinakot ni Esperon ang mga taga-North Cotabato na pababayaan ng militar kapag nilusob ng MILF.
Ipinaalala ni Lacson kay Esperon na isa na itong sibilyan at hindi na pinuno ng AFP kaya hindi na umano dapat umasta pang chief of staff.
Iginiit naman ni Sen. Rodolfo Biazon na hindi lamang dapat sibakin si Esperon, kundi dapat ring palitan lahat ang mga miyembro ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process kabilang na ang legal panel nito na nakikipag-usap sa MILF.
Sa isang pahayag ay nanindigan naman si Esperon na hindi magbibitiw, maliban na lamang kung si Pangulong Arroyo mismo ang magpaalis sa kanya.
Samantala sa gitna na rin ng mainit na isyu, tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano na mananatili ang mga sundalo sa pagbibigay proteksyon sa mga sibilyan kabilang na sa posibleng paghahasik ng karahasan ng MILF rebels sa Mindanao.
Nilinaw ni Yano na walang polisiya ang AFP na piliin lamang ang grupo ng mga komunidad tulad ng mga espekulasyon laban sa lahat ng uri ng mga banta sa seguridad dahil ang inuuna ng mga sundalo ay kaligtasan ng mga sibilyan.
- Latest
- Trending