P10-M high grade wax nasabat ng PASG

Kinumpiska ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P10 milyong halaga ng high grade wax na mula sa China na natagpuan sa isang bodega sa Tondo, Maynila. 

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang nasabing high grade wax na lulan ng 3 container van ay dapat dalhin sa Customs Bonded Warehouse sa Pulilan, Bulacan subalit dinala ito ng consignee na Everest Integrated sa isang compound sa 14 San Rafael village, Tondo. 

Sinabi ni Usec Villar, tahasang paglabag ito sa Tariff and Customs Code dahil na rin sa kawalan ng Customs guard escort ng nasabing kargamento nang dalhin sa CBW. Nabigo naman ang Everest Integrated na mag­pakita ng dokumento na magpapatunay na ang kinum­piskang shipment ay hindi smuggled cargo mula sa China. 

Dahil dito, inatasan ni Usec. Villar ang kanyang mga tau­ han na mahigpit na bantayan ang mga shipment na para sa CBW dahil na rin sa ulat na ginagamit ng ilang port players ang advantage ng mababang bayarin kapag pada­daanin sa CBW ang kanilang kargamento. (Rudy Andal)

Show comments