Senior citizens gustong i-exempt sa binibiling gamot

Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ma-exempt o huwag ng buwisan ang binibiling gamot ng senior citizens dahil kina­kain lamang umano ng value added tax o VAT ang discount sa kanila.

Ayon kay Rep. Dar­lene Antonio-Custodio, bagaman malaking bene­pisyo ang 20% discount ay nauuwi rin sa wala ang benepisyo dahil kinakalta­­san naman sila sa VAT.

Panukala ng mga kongresista na itaas na lamang ang buwis sa ibang produkto na hindi makakaapekto sa senior citizens gaya ng alak, sigarilyo, premyo sa lotto, casino pero i-exempt ang text messaging, soft­drinks, interes sa depo­sito sa bangko at rehistro sa sasakyan.

Pero ayon sa Department of Finance, hindi ito ganoon kadali dahil ka­pag in-exempt anya ang mga seniors ay mawawa­lan ang gobyerno ng taunang kita na P114 milyon.

Ang senior citizens ay kumakatawan sa 6% ng populasyon ng bansa. (Butch Quejada)

Show comments