^

Bansa

Libro ng oil firms pinapa-audit ni GMA

-

Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo sa Department of Energy (DOE) na magsagawa ito ng audit sa mga libro ng oil companies matapos na bumaba ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan subalit nana­natiling mataas pa rin ang presyo nito sa bansa. 

Sinabi ni Presidential Management Staff chief Cerge Remonde, nais ni Pangulong Arroyo na masiguro na hindi nagsa­samantala ang mga oil firms ngayong patuloy ang pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market.

Ayon kay Remonde, kailangang matiyak kung makatwiran ang mga na­karaang pagtaas.

Aminado naman ang mga oil companies na mababa nga ang presyo sa world market pero malabo anila ang rollback dahil mayroon pa silang mga binabawing “under recoveries” kaya hindi nila maibaba ang presyo ng kanilang mga produkto. Ang Flying V halimbawa, ay may P5 pa umanong dapat bawiin sa diesel. (Rudy Andal)

vuukle comment

AMINADO

ANG FLYING V

AYON

CERGE REMONDE

DEPARTMENT OF ENERGY

INIUTOS

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL MANAGEMENT STAFF

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with