MOA sisilipin ng Senado

Iimbestigahan ng Senado ang kasun­duan sa kontrobersyal na isyu ng ‘ancestral domain’ na nakatakda sanang lag­ daan nga­yong araw ng pamaha­laan at ng Moro Islamic Liberation Front peace panel sa Kuala Lum­pur, Malaysia.

“Siguradong titing­nan namin ito. Kaya nga lang, nalulungkot ako na mukhang pag­tingin  na­min dito ay ta­pos na ang pirmahan,” pahayag ni Senate President Ma­nuel Villar sa isang pa­nayam sa pagdalo niya kahapon sa 13th Founding Anniversary ng Police Community Relations Group sa Camp Cra­me.

Sinabi ni Villar na dapat malantad sa pub­liko kung bakit lumarga ang gobyerno sa ku­westiyonableng kasun­duan nang wala man lamang isina­gawang konsultasyon.

Maluwag na tinang­gap ng Malacañang ang temporary restraining order ng Korte Suprema na pu­mipigil sa pag­lagda sa MOA kahapon.

Sinabi ni Press Secretary Jesus Dure­za na itinuturing ng Palasyo na “blessing in disguise” ang TRO upang pigilan ang na­katakdang pir­ma­han ng MOA sa pagitan ng GRP-MILF panel.

Ayon kay Dureza, magkakaroon ngayon ng pagkakataon upang ma­ ipaliwanag sa SC gayun­din sa mga kri­tiko ng MOA na hindi maka­kasa­ma sa ban­sa ang ni­lala­man ng draft agree­ment. (Joy Cantos at Rudy Andal)

Show comments