MOA sisilipin ng Senado
Iimbestigahan ng Senado ang kasunduan sa kontrobersyal na isyu ng ‘ancestral domain’ na nakatakda sanang lag daan ngayong araw ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front peace panel sa
“Siguradong titingnan namin ito. Kaya nga lang, nalulungkot ako na mukhang pagtingin namin dito ay tapos na ang pirmahan,” pahayag ni Senate President Manuel Villar sa isang panayam sa pagdalo niya kahapon sa 13th Founding Anniversary ng Police Community Relations Group sa Camp Crame.
Sinabi ni Villar na dapat malantad sa publiko kung bakit lumarga ang gobyerno sa kuwestiyonableng kasunduan nang wala man lamang isinagawang konsultasyon.
Maluwag na tinanggap ng Malacañang ang temporary restraining order ng Korte Suprema na pumipigil sa paglagda sa MOA kahapon.
Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza na itinuturing ng Palasyo na “blessing in disguise” ang TRO upang pigilan ang nakatakdang pirmahan ng MOA sa pagitan ng GRP-MILF panel.
Ayon kay Dureza, magkakaroon ngayon ng pagkakataon upang ma ipaliwanag sa SC gayundin sa mga kritiko ng MOA na hindi makakasama sa bansa ang nilalaman ng draft agreement. (Joy Cantos at Rudy Andal)
- Latest
- Trending