‘Ingat sa iridology’- DOH

Pinayuhan kahapon ng Department of Health ang publiko na mag-ingat sa mga iri­ dology dahil hindi ito isang diagnostic tool o therapeutic modality bilang kapalit ng medi­sina.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, walang scientific validation para sa paggamit ng irido­logy at wala rin itong matibay na ebidensya na maari itong maka­gamot ng mga sakit.

Iginiit pa ng Kalihim na walang basehan ang sinasabi ng mga irido­logist na maaring ma-diagnose ang ibat-ibang sakit sa isang tao tulad ng ginagawa ng mga ito sa pag-eksa­min sa iris ng isang tao o sa pama­ma­gitan ng litrato.

Matapos ang eksa­min ng mga iridologist ay hinihikayat ng mga ito na bumili ng herbal ang kanilang mga pas­yente upang mapigilan ang problema subalit maaari din umano itong magkaroon ng malaking epekto sa kalusugan ng isang tao kapag hindi naman kailangang gumamit ng herbal medicine.

Ang paalala ng kali­him ay bilang paggu­nita sa Sight Saving Month ngayong Agos­to. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments