^

Bansa

Tambay na umiihi sa kalye huhulihin

-

Pormal nang ipatu­tu­pad sa Valenzuela City ang “Disiplina Ordinance” na inihain ni Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin Feliciano sa Sang­guniang Pang­lungsod matapos itong apruba­han at lagdaan ni Mayor Sherwin “Win” Gatchalian.

Sa pamamagitan ng ordinansang ito, pana­na­gutin sa batas ang sinu­mang mahuhuling kala­la­­ki­han na nasa labas ng kanilang bahay na walang pang-itaas na damit, ma­ging ang mga umiihi sa kalsada ay huhulihin din.

Ipinagbabawal din sa ordinansang ito ang pag­tatapon ng basura sa la­bas ng kanilang mga bahay at ang sinumang mahuhuli ay may naka­laang parusa upang lalo pang maging malinis ang buong lungsod.

Kabilang sa mga magpapatupad ng “Disi­plina Ordinance” ay ang mga opisyal ng barang­gay, Public Order and Safety Management Office (POS­MO) ng Valen­zuela City Hall, mga tauhan ng lokal na puli­sya at iba pang ahensiya na may kinala­man dito.

Umaasa rin ang kon­sehal na susuportahan ng mga residente ng buong lungsod ang ordi­nansang ito dahil sa pamamagitan nito ay mapapanatiling malinis, maayos at may disiplina ang bawat ma­ma­mayan ng Lungsod ng Valen­zuela.

Inaasahan din ni Feliciano na ipatutupad ng maayos ng mga kinau­ukulan ang nasabing ordinansa at tiniyak din nito na walang sinuman ang makakapagsaman­tala sa pag-iimplementa ng “Disiplina Ordinance”. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY PRESIDENT

CITY HALL

COUNCILOR ALVIN FELICIANO

DISIPLINA ORDINANCE

LORDETH BONILLA

MAYOR SHERWIN

PUBLIC ORDER AND SAFETY MANAGEMENT OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with