Mga bgy. gagamitin vs illegal recruiters
Pinapalakas ngayon ng pamahalaang lungsod ng
Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, umabot sa 35 barangay mula sa Zone 3, 12 at 13 ang pinalakas para mabantayan ang mga residente laban sa pambibiktima ng mga ilegal na recruiter.
Sinabi naman ng alkalde na magpapatuloy ang programa hanggang lahat ng 188 barangay at 16 na zone ay mapalakas laban sa panloloko.
Samantala, malaki ang pasasalamat kay Echiverri ng mga barangay officials na dumalo sa programa dahil alam na nila ngayon ang modus operandi ng mga ilegal na recruiter at ang masamang epekto ng ganitong gawain sa kanilang mga nasasakupan.
Gayundin, kinilala rin ng POEA ang suporta ni Echiverri para maibaba ang mga ganitong programa sa mga mamamayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Labor and Industrial Relations Office (LIRO) chief Dante Esteban na nagbibigay din ang POEA ng regular na update sa listahan ng mga lisensyadong recruitment agency at iba pang opisina para sa proteksyon at kapakinabangan ng publiko. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending