International flights sinimulan sa NAIA 3

Matapos buksan ng tatlong airline companies ang kanilang mga domestic flights sa bagong NAIA Terminal 3, sinimulan na rin kahapon ng Cebu Pacific Air ang kanilang international flight sa nasa­bing paliparan.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Al Cusi, tatlong international flight ng Cebu Pacific ang binuksan kaha­pon ng umaga at inaasa­hang susundan pa ito ng 15 arrival at 15 departure international flights.

“We are very happy that finally Terminal 3 is put into productive use,” pahayag ni Cusi sa media.  

Magugunita na nitong nakalipas na Hulyo 22, 2008, sinimulan ng NAIA 3 ang operasyon nito para sa domestic flights kung saan nauna ang Cebu Pacific na sinundan ng PAL Express at Air Philippines.

Para sa unang se­mes­tre ng 2008, naka­pagtala ang MIAA ng 2.7 milyong arrivals at 2.7 milyong pasahero na umalis. (Ellen Fernando)

Show comments