Tigil batikos apela ni GMA

Umapela kahapon ang Malacañang sa mga kri­tiko ni Pangulong Arroyo na tumulong na lamang sa paghahanap ng so­lusyon sa mga proble­mang kina­kaharap ng bansa kaysa aksa­yahin ang kanilang pana­hon sa pagbatikos sa pamaha­laan.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesman Anthony Golez, dapat ay magkaisa na lamang ang lahat ng Filipino upang magkaroon ng shared responsibility para maka­ahon sa krisis ang bansa.

Ayon kay Usec. Go­lez, ang mga payo at puna ni dating Pangu­long Ramos ay iginaga­lang ng Palasyo at ti­wala sila na nais lamang ni FVR na malutas ang kasaluku­yang krisis sa bansa.

Sinabi naman ni Social Welfare Secretary Esperanza Cabral, pa­tuloy na kumikilos ang pamahalaan sa pama­magitan ng pagkaka­loob ng mga subsidies sa ma­hihirap na Pinoy upang kahit paano ay makatu­long ito sa ka­nila.

Tiniyak din ni Sec. Ca­bral na dadaan sa pag­bu­sisi ng Commission on Audit (COA) ang mga pinila­labas na pondo ng pama­halaan para sa mga social projects particular sa pag­kakaloob ng mga subsidies.

Show comments