Tigil batikos apela ni GMA
Umapela kahapon ang Malacañang sa mga kritiko ni Pangulong Arroyo na tumulong na lamang sa paghahanap ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa kaysa aksayahin ang kanilang panahon sa pagbatikos sa pamahalaan.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez, dapat ay magkaisa na lamang ang lahat ng Filipino upang magkaroon ng shared responsibility para makaahon sa krisis ang bansa.
Ayon kay Usec. Golez, ang mga payo at puna ni dating Pangulong Ramos ay iginagalang ng Palasyo at tiwala sila na nais lamang ni FVR na malutas ang kasalukuyang krisis sa bansa.
Sinabi naman ni Social Welfare Secretary Esperanza Cabral, patuloy na kumikilos ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga subsidies sa mahihirap na Pinoy upang kahit paano ay makatulong ito sa kanila.
Tiniyak din ni Sec. Cabral na dadaan sa pagbusisi ng Commission on Audit (COA) ang mga pinilalabas na pondo ng pamahalaan para sa mga social projects particular sa pagkakaloob ng mga subsidies.
- Latest
- Trending