Hamon sa bagong Law grads, Sa gobyerno muna magserbisyo bago sa pribado – DOJ

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema na dapat munang magserbisyo sa gobyerno ang mga bagong abogado bago sa mga pribadong kumpanya.

Ayon kay Justice Un­ der­secretary Ricardo Blan­caflor, kapag sinang-ayu­nan ito ng mataas na hu­kuman ay magiging mala­king tulong ito upang maba­wasan ang mga backlog ng kaso sa mga docket.

Sinabi pa nito na ma­ laki rin ang maitutulong nito upang mapagbuti ang sis­tema ng hustisya sa bansa at mapagaan ang trabaho ng mga piskal at iba pang abogado ng pamahalaan.

Lumalabas sa record na ang average na case­load assignment na ibini­bigay sa mga piskal ay umaabot sa 454 trial cases at 228 preliminary investigation o aabot sa kabuuang 682 na kaso.

Sinabi pa ni Blancaflor na karamihan sa mga may hawak ng kaso ay tinutu­ ligsa ng publiko dahil sa mababang bilang ng mga nareresolbang kaso.

Ito umano ay dahil sa maraming kaso ang naka­ta­laga sa isang prosecutor kung saan imposible na rin umanong maresolba ka­agad sa takdang oras. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments