Hamon sa bagong Law grads, Sa gobyerno muna magserbisyo bago sa pribado – DOJ
Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema na dapat munang magserbisyo sa gobyerno ang mga bagong abogado bago sa mga pribadong kumpanya.
Ayon kay Justice Un dersecretary Ricardo Blancaflor, kapag sinang-ayunan ito ng mataas na hukuman ay magiging malaking tulong ito upang mabawasan ang mga backlog ng kaso sa mga docket.
Sinabi pa nito na ma laki rin ang maitutulong nito upang mapagbuti ang sistema ng hustisya sa bansa at mapagaan ang trabaho ng mga piskal at iba pang abogado ng pamahalaan.
Lumalabas sa record na ang average na caseload assignment na ibinibigay sa mga piskal ay umaabot sa 454 trial cases at 228 preliminary investigation o aabot sa kabuuang 682 na kaso.
Sinabi pa ni Blancaflor na karamihan sa mga may hawak ng kaso ay tinutu ligsa ng publiko dahil sa mababang bilang ng mga nareresolbang kaso.
Ito umano ay dahil sa maraming kaso ang nakatalaga sa isang prosecutor kung saan imposible na rin umanong maresolba kaagad sa takdang oras. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending