^

Bansa

Pagbasura sa Amparo petitions binatikos

-

Kinondena kahapon ng isang grupo ng mga abogado ang pagbaba­sura ng Court of Appeals sa mga inihain ditong petition for  writ of amparo.

Inihalimbawa ng National Union of People’s Lawyers ang mga petis­yon ng inang si  Editha Burgos para sa nawa­wala nitong anak na si Jonas; mamamahayag mula sa Mindanao na si Nilo Baculo; Elizabeth Principe at iba pa na dinismis dahil sa sinasa­bing kawalan ng ebiden­sya.

Ayon kay Atty. Neri Colminares, secretary-General ng NUPL sa ilalim ng kautusan ng Korte Suprema, ang temporary protection order ay maaring ibigay ng hukuman. Wala anya sa lugar ang paghingi ng CA ng mga ebidensya mula sa mga petisyuner dahil walang makuha ang pulisya.

Iginiit ni Colmenares na ang Korte Suprema ay hindi kinakailangan ng criminal action na hu­mihiling ng katibayan o isang civil o administrative proceeding kundi isang prerogative writ na may intensiyong pro­tektahan ang karapa­tang pantao. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

COURT OF APPEALS

EDITHA BURGOS

ELIZABETH PRINCIPE

GEMMA AMARGO GARCIA

KORTE SUPREMA

NATIONAL UNION OF PEOPLE

NERI COLMINARES

NILO BACULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with