^

Bansa

87% ng Metro residents gustong alisin na ang VAT

-

Sa kabila ng matigas na paninindigan ni Pangu-long Arroyo na hindi nito kailanman tatanggalin ang 12% VAT na ipinapataw ng gobyerno sa lahat ng     mga produktong petrolyo, siyam sa 10 residente ng Metro Manila ang nagpahayag ng kagustuhan na ibasura na ang buwis sa langis.

Sa ginawang survey ng IBON Foundation nitong Hulyo 12 at 13, lumalabas na  87.33% ang nais na tang­­galin na ito habang 8.36% lamang ang nais na manatili ito at 4.31% ang tumangging magbigay ng kanilang opinyon.

Sa pag-aaral rin ng IBON, bababa ng higit sa P7 ang presyo sa premium, diesel, unleaded, at kero-sene kung mawawala na ang VAT dito ngunit matigas  naman ang paninindigan ng administrasyong Arroyo na manatili ito dahil sa pinagkukunan ng subsidiya para sa mga mahihirap. 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Sonny Africa, head   ng Research Department ng IBON na hindi panan-da­liang tulong ang kailangan ng mamamayan kundi trabaho.

Hindi umano angkop sa mga mahihirap ang nilik­hang ekonomiya ng administrasyon ni Mrs. Arroyo kaya nararamdaman ng mamamayan ang bigat ng krisis na dulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain, langis at serbisyo. (Danilo Garcia/Rose Tesoro/Doris Franche)

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

METRO MANILA

MRS. ARROYO

RESEARCH DEPARTMENT

ROSE TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with