Pagharap sa media ng mga suspek balak ipatigil ng PNP
Posibleng ipatigil na ng Philippine National Police (PNP) ang nakaugalian na “papoging” pagpi prisinta sa media ng mga naarestong suspek sa mga krimen na pinaghi hinalaan pa lamang.
Sinabi ni Deputy Director General Jesus Versoza na nakatakda nilang rebisahin ang naturang polisiya matapos na ma katanggap ng kritisismo buhat sa mga “human rights group”.
“May mga isyu na nalalabag umano ang karapatan ng isang naarestong suspek na ma-presume na inosente pa hanggang hindi pa napapatu nayan ang pagkakasa- la sa korte,” ayon kay Versoza.
Inihayag rin nito na napag-isip-isip nila ito matapos na magpakalat ng e-mail ang Asian Hu man Rights Commission (AHRC) na umeeng- ganyo na igiit sa PNP, AFP at iba pang opisyales ng pamahalaan na itigil na ang naturang presentasyon base sa isinasaad ng Section 14 (2) ng 1987 Philippine Constitution ukol sa “presumption of innocence” ng isang tao.
Una nang tinuligsa ng AHRC ang ginagawang presentasyon ng PNP sa mga nahuhuling suspek kung saan nagdudulot ng matinding kahihiyan sa pamilya ng mga ito kahit na hindi pa naman napapa tunayan ang pagkakasala upang maipakita lamang sa publiko na may ginagawa silang aksyon laban sa krimen.
Matatandaan na nagsampa ng kaso sa CHR ang isang dating sundalo na suspek sa RCBC massacre na agad iprinisinta sa media matapos na arestuhin sa loob mismo ng
- Latest
- Trending