Katulad nang inaa sahan, isa sa hihilingin ni Pangulong Arroyo sa mga mamamayan sa kan yang State of the Nation Address (SONA) bukas ay ang pagkaka-isa ng bansa.
Ayon kay Press secretary at presidential spokesman Jesus Dureza, hihingiin din ng Pangulo sa mga Filipino na tulungan ang mga mahihirap upang mapatatag ang bansa sa gitna ng nararana-sang krisis.
Sinigurado ni Dureza na magbibigay ng malinaw na ulat sa bayan ang Pangulo sa kabila ng napakaraming problemang kinakaharap ngayon ng gobyerno.
“Kailangan sama-sama tayo, tulungan ang mahirap at patatagin ang bansa so when I turn over the presidency ang susunod di mahihirapan,” ani Dureza na posibleng sabihin ng Pangulo.
Ipapakita rin umano ng Pangulo sa kanyang SONA na isang presidente na nakahandang magsakripisyo sa pamamagitan nang paggigiit ng mga desisyon na hindi naaayon sa kagustuhan ng mga mamamayan.
Inihalimbawa nito ang patuloy na paniningil ng gobyerno sa value ad-ded tax (VAT) na matagal nang hinihiling ng maraming sector na pansamantalang suspendihin.
Sinigurado rin ni Dureza na hindi magbaba-go ang paninindigan ng Pangulo at ipagpapatuloy nito ang mga nasimulan hanggang sa matapos ang kanyang termino.
Inaasahan din na ipaliliwanag ng Pangulo sa kanyang ika-walong SONA ang kahalagahan nang pananatili ng VAT.