^

Bansa

Pagkakaisa hihingin ni GMA sa SONA

- Ni Malou Escudero -

Katulad nang inaa­ sahan, isa sa hihilingin ni Pangulong  Arroyo sa mga mamamayan sa kan­ yang State of the Na­tion Address (SONA) bukas ay ang pagkaka-isa ng bansa.

Ayon kay Press secre­tary at presidential spokes­man Jesus Dureza, hihi­ngiin din ng Pangulo sa mga Filipino na tulungan ang mga mahihirap upang mapatatag ang bansa    sa gitna ng nararana­-sang krisis.

Sinigurado ni Dureza na magbibigay ng mali­naw na ulat sa bayan ang Pangulo sa kabila ng na­pakaraming problemang kinakaharap ngayon ng gobyerno.

“Kailangan sama-sama tayo, tulungan ang mahirap at patatagin ang bansa so when I turn over the presidency ang susu­nod di mahihirapan,” ani Dureza na posibleng sa­bihin ng Pangulo.

Ipapakita rin umano ng Pangulo sa kanyang SONA na isang presi­dente na nakahandang magsakripisyo sa pama­magitan nang paggigiit ng mga desisyon na hindi naaayon sa kagustuhan ng mga mamamayan.

Inihalimbawa nito ang patuloy na paniningil ng gobyerno sa value ad-ded tax (VAT) na matagal nang hinihiling ng mara­ming sector na pansa­man­talang suspendihin.

Sinigurado rin ni Du­reza na hindi magbaba-go ang paninindigan ng Pangulo at ipagpapatuloy nito ang mga nasimulan hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Inaasahan din na ipaliliwanag ng Pangulo sa kanyang ika-walong SONA ang kahalagahan nang pananatili ng VAT. 

DUREZA

JESUS DUREZA

PANGULO

SHY

SINIGURADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with