Seguridad sa SONA plantsado na

Nasa red alert status na ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Natio­ nal Police (PNP) upang tiyakin ang seguridad at  kapayapaan sa gagana­ping State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngu­long Arroyo bukas.

Epektibo kahapon ng umaga, sinabi ni AFP–Ci­vil Relations Service Chief Brig. Gen. Nestor Sadia­rin na red alert na ang AFP partikular na ang AFP-National Capital Region Command.  

Ang AFP-NCRCOM ay magdedeploy ng 600 sundalo sa mga istrate­hikong lugar sa Metro  Ma­nila karagdagan sa 3,000 tropa na standby for­ces  sa Camp Agui­nal­do.

Samantala ang Natio­ nal Capital Region Po-lice Office (NCRPO) ay mag­papakalat ng 5,650 mga pulis bukod pa sa standby forces na mang­ga­ galing naman sa Po­lice Regional Office (PRO) 4-A at PRO 3.

Kapwa tiniyak ng mga opisyal ng AFP at PNP na paiiralin ang ‘maximum tolerance’ kontra sa mga raliyista na babalandra  sa mga lansangan sa SONA.

Mahigpit ring tututu­kan ang hanay ng NPA rebels na posibleng hu­malo sa mga demons­trador at manabotahe sa SONA.

Sa panig ng pulisya, sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome, epek­tibo alas-8 ngayong Ling­ go ng umaga ay isasa­ilalim na rin nila sa full alert status ang apat na himpilan ng kanilang se­curity forces na naata­sang mangalaga sa segu­ridad ng SONA.

Kabilang dito ang elite forces ng PNP-Special Action Force, NCRPO, PRO 3 at PRO 4.

Nasa heightened alert naman ang iba pang PROs ng PNP. (Joy Cantos)

Show comments