Seguridad sa SONA plantsado na
Nasa red alert status na ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Natio nal Police (PNP) upang tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo bukas.
Epektibo kahapon ng umaga, sinabi ni AFP–Civil Relations Service Chief Brig. Gen. Nestor Sadiarin na red alert na ang AFP partikular na ang AFP-National Capital Region Command.
Ang AFP-NCRCOM ay magdedeploy ng 600 sundalo sa mga istratehikong lugar sa Metro
Samantala ang Natio nal Capital Region Po-lice Office (NCRPO) ay magpapakalat ng 5,650 mga pulis bukod pa sa standby forces na mangga galing naman sa Police Regional Office (PRO) 4-A at PRO 3.
Kapwa tiniyak ng mga opisyal ng AFP at PNP na paiiralin ang ‘maximum tolerance’ kontra sa mga raliyista na babalandra sa mga lansangan sa SONA.
Mahigpit ring tututukan ang hanay ng NPA rebels na posibleng humalo sa mga demonstrador at manabotahe sa SONA.
Sa panig ng pulisya, sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome, epektibo alas-8 ngayong Ling go ng umaga ay isasailalim na rin nila sa full alert status ang apat na himpilan ng kanilang security forces na naatasang mangalaga sa seguridad ng SONA.
Kabilang dito ang elite forces ng PNP-Special Action Force, NCRPO, PRO 3 at PRO 4.
Nasa heightened alert naman ang iba pang PROs ng PNP. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending