^

Bansa

Dismissal ng 11 Magdalo aprub na kay GMA

-

Dinismis na sa rooster ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 11 Magdalo junior officers na sangkot sa Oakwood mutiny matapos aprubahan ni Pangulong Arroyo ang hatol dito ng General Court Martial.

Kinilala ang mga dinis­ mis sa serbisyo na sina apt. Gary Alejano (Marines), Lt. Senior Grade Andy Torrato (Navy); Capt. Segundino Orfiano (Air Force); Lt. Senior Grade Eugene Louie Gonzales  (Navy); Lt. Senior Grade James Layug (Navy), Lt. Senior Grade Manuel Capochan (Navy) ; Lt. Jonnel Sanggalang (Marines); Lt. Junior Grade Arturo Pascua Jr. (Navy); 1st Lt. Francisco Acedillo (Air Force); Lt. Billy Pascua (Air Force) at Ensign Armand Pontejos (Navy). 

Ang mga akusado ay napatunayang nagkasala sa paglabag sa Articles of War (AW) 96 conduct unbecoming an officer and a gentleman na ang kapa­ru­sa­han ay dismissal o pag­papatalsik sa ser­bisyo.

Sa ilalim ng military justice system, ang hatol ng GCM ay ‘final and executory’ o mapagtitibay lamang kung aaprubahan ni Pa­ngulong Arroyo bilang Commander in Chief.

Magugunita na noong Hulyo 27, 2003 ay sinakop ng may 300 junior officers at enlisted personnel ng AFP sa ilalim ng Magdalo Group ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City sa bigong pagtatangka na agawin ang kapangyarihan sa gobyerno. (Joy Cantos)

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARTICLES OF WAR

BILLY PASCUA

ENSIGN ARMAND PONTEJOS

FRANCISCO ACEDILLO

GARY ALEJANO

GENERAL COURT MARTIAL

JONNEL SANGGALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with