^

Bansa

Cabalen ni GMA inalok sa CHED

-

Inalok ni Pangulong Arroyo ang kanyang ca­balen na pamunuan ang Commission on Higher Education (CHED) na binakante ni SSS Administrator Romulo Neri. 

Ayon sa Malacañang source, inalok umano ng Pangulo na maging chairman ng CHED si Angeles University Foundation chancellor Manuel Angeles. 

Sinabi ng source, very much qualified si Angeles sa puwesto dahil sa pa­giging abugado nito at pagkakaroon ng master of laws at doctor of philosophy. 

Ayaw naman itong kumpirmahin ni Press Secretary Jesus Dureza dahil ang alam daw niya ay kinukunsidera din ni Mrs. Arroyo sa posisyon si Western Mindanao State University president Eldi­gario Gonzales. 

Kilalang malapit si PGMA sa pamilya Angeles dahil ang kanyang yu­maong ama na si Pa­ngulong Diosdado Maca­pagal ay chairman of the board ng Angeles University hanggang sa mamatay ito noong 1997. 

Naunang lumutang din ang pangalan ni dating Sen. Tessie Aquino-Oreta na ilalagay ni PGMA sa CHED. Tumakbo si Oreta sa nakaraang senatorial elections sa ilalim ng Team Unity. (Rudy Andal)

ADMINISTRATOR ROMULO NERI

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

DIOSDADO MACA

HIGHER EDUCATION

MANUEL ANGELES

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with