Qantas Air sumabog sa ere, 361 sakay ligtas!

Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang may 350 pasahero at 11 crew ng Qantas Airline nang suma­ bog sa ere ang sinasak­yang eroplano dahilan para magsagawa ng emergency landing sa NAIA runway ang piloto nito kahapon ng tanghali.

Ayon kay Engineer Octavio ‘Bing’ Lina, Assistant General Manager for Operation ng Manila International Airport Authority, galing London ang Qantas Boeing 747 at patungong Melbourne, Australia via Hongkong ng mapilitang mag-divert dakong 11:20 ng tanghali matapos madis­kubre ng pilotong si Capt. John Francis Bartels na may malaking butas ang kanang bahagi ng eroplano malapit sa pakpak nito.

Sinabi ni Lina, tumawag ang piloto sa Manila Control Tower para humingi ng clearance para makalapag ito sa runway dahil grabe na umano ang nangyayari sa kanila sa himpapawid dulot ng cabin pressurization. Ang NAIA Terminal 1 ang pinakamalapit na airport ng humingi ng saklolo ang piloto.

Ayon sa mga pasa­hero, bigla na lamang silang nakarinig ng mala­kas na pagsabog hang­gang sa maglaglagan ang kanilang mga emergency gadgets. 

Nagsigawan ang mga pasahero at nagsuot ng kanya-kanyang mask/oxygen hanggang sa maka­ramdam ng pagkahilo at ang iba ay sumuka nang umabot ang eroplano sa may 29,000 talampakang taas sa himpapawid mula sa lupa bago mag-emergency landing.  

Patungong Melbourne, Australia via Hong Kong ang eroplano at dalawang oras pa lang nakatake-off ng magkaproblema.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority for Safety at Air Transportation Office sa insidente habang ang mga pasahero ay pansa­man­ talang nanatili sa Hotel Sofitel at Manila Hotel upang mag­pahinga ha­bang inaaantay ang kani­lang pagsakay sa ibang eroplano. 

Sinabi naman ng Manila International Airport Authority na tatlong foreign flight at isang originating flight ang naapektuhan dahil sa insidente. 

Ang Qantas ay may 87 taon na sa negosyong ito at pangalawa sa pinaka­matandang kompanya pagdating sa air navigation. Ito ay ika-5th best airlines sa buong kapuluan.

Show comments