Qantas Air sumabog sa ere, 361 sakay ligtas!
Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang may 350 pasahero at 11 crew ng Qantas Airline nang suma bog sa ere ang sinasakyang eroplano dahilan para magsagawa ng emergency landing sa NAIA runway ang piloto nito kahapon ng tanghali.
Ayon kay Engineer Octavio ‘Bing’ Lina, Assistant General Manager for Operation ng Manila International Airport Authority, galing London ang Qantas Boeing 747 at patungong Melbourne, Australia via Hongkong ng mapilitang mag-divert dakong 11:20 ng tanghali matapos madiskubre ng pilotong si Capt. John Francis Bartels na may malaking butas ang kanang bahagi ng eroplano malapit sa pakpak nito.
Sinabi ni Lina, tumawag ang piloto sa
Ayon sa mga pasahero, bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na pagsabog hanggang sa maglaglagan ang kanilang mga emergency gadgets.
Nagsigawan ang mga pasahero at nagsuot ng kanya-kanyang mask/oxygen hanggang sa makaramdam ng pagkahilo at ang iba ay sumuka nang umabot ang eroplano sa may 29,000 talampakang taas sa himpapawid mula sa lupa bago mag-emergency landing.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority for Safety at Air Transportation Office sa insidente habang ang mga pasahero ay pansaman talang nanatili sa Hotel Sofitel at Manila Hotel upang magpahinga habang inaaantay ang kanilang pagsakay sa ibang eroplano.
Sinabi naman ng Manila International Airport Authority na tatlong foreign flight at isang originating flight ang naapektuhan dahil sa insidente.
Ang Qantas ay may 87 taon na sa negosyong ito at pangalawa sa pinakamatandang kompanya pagdating sa air navigation. Ito ay ika-5th best airlines sa buong kapuluan.
- Latest
- Trending