1 pang kidnaper nina Ces timbog!
Isa pang miyembro ng mga bandidong Abu Say yaf Group (ASG) na kabilang sa kidnapper ng grupo ni ABS-CBN news reporter Ces Drilon ang nasakote ng mga elemento ng Philippine Marines sa follow-up operations sa Maimbung, Sulu.
Kinilala ni Navy spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo ang nasakoteng suspek na si Munhamer Sattari alyas Brain Damage.
Nabitag si Sattari apat na araw matapos maaresto ang dalawa pang kasama na sina Nadzmer Amirul alyas Abu Kudama, 18 at Almader Maadi, 14, sa checkpoint sa Brgy. Timpook, Patikul, Sulu.
Sa naantalang report, sinabi ni Arevalo na si Sattari ay nahuli ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 4 na pinamumunuan ni Lt. Col. Ariel Caculitan bandang
Ayon kay Arevalo, si Sattari ay aktibong kasapi ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Mujiv Susukan. Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bensaudi Arabani kaugnay ng 4 counts ng kasong murder. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending