100 nurses nagpiket
Nagbabala ang grupo ng mga nurse sa bansa na mapipilitan silang magtungo sa ibayong dagat upang mamasukan kung hindi ipatutupad ang batas na nagtataas sa kanilang mga sweldo.
“Let’s not wait for the time that they all leave to work abroad even if in their hearts, they love to serve the Filipinos,” anang mga nagwewelga.
Kabilang sa grupong Pambansang Samahan ng mga Nars ng Pilipinas, Inc. ang mga nagpiket na tinatayang 100 nurse.
Anila, may anim na taon nang nilagdaan ang Republic Act 9173 o Nursing Act of 2002 na nagsaad na dapat makatanggap ang mga nurses na nagtatrabaho sa gobyerno ng Salary Grade 10 o suweldong P16,093.
Marami pa umano sa kanila ang sumusweldo lamang ng P10,000 kada buwan.
Tinuligsa naman ng Alliance of Health Workers, Inc. ang Arroyo government sa pagbabalewala nitong ipagkaloob ang pangangailangan ng mga nurse sa kabila ng serbisyong ipinagkakaloob ng mga ito. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending