Sususpendihin ng Department of Education (DepEd) ang klase sa 15 public at private elementary at high school malapit sa Batasang Pambansa sa Lunes kung saan idaraos ang taunang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay DepEd Regional Director for National Capital Region (NCR) Teresita Domalanta, kina kailangang masiguro na ligtas ang mga edtudyante kaya suspindido ang klase sa paligid ng Batasan sa darating na SONA ng Pangulo dahil sa posibleng kaguluhan dulot ng kabi-kabilang rally ng mga militanteng grupo.
Dagdag pa nito na binibigyan na nila ng kalayaang magdesisyon ang mga private schools na nasa paligid ng Batasang Pambansa kung sususpindihin nila ang kanilang klase o hindi.
Ang mga eskwelahan na walang pasok sa Lunes ay ang Batasan Elementary at High School; Commonwealth Elem. at High School; Main at annex ng Payatas Elementary (Annexes A, B, C); Lupang Pangako Elem.; Cecilia Muñoz Palma HS; Donya Juana Elem.; Holy Spirit Elem.; Bagong Silangan Elem. at HS; San Diego Elem.; Fairview Elem. (main at annex); North Fairview Elem. at HS; New Era Elem. at HS; Culiat Elem. at HS; Pasong Tamo Elem. at HS; at Manuel L. Quezon Elem. School. (Edwin Balasa)