^

Bansa

15 schools sa Batasan walang pasok sa SONA

-

Sususpendihin ng Department of Education (DepEd) ang klase sa 15 public at private elementary at high school malapit sa Batasang Pambansa sa Lunes kung saan ida­raos ang taunang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay DepEd Regional Director for National Capital Region (NCR) Teresita Doma­lanta, kina­ kaila­ngang masiguro na ligtas ang mga edtud­yante kaya suspindido ang klase sa paligid ng Batasan sa darating na SONA ng Pangulo dahil sa posib­leng kaguluhan dulot ng kabi-kabilang rally ng mga militan­teng grupo.

Dagdag pa nito na binibigyan na nila ng kalayaang magdesisyon ang mga private schools na nasa paligid ng Ba­tasang Pambansa kung sususpindihin nila ang kanilang klase o hindi.

Ang mga eskwelahan na walang pasok sa Lunes ay ang Batasan Elementary at High School; Commonwealth Elem. at High School; Main at annex ng Payatas Elementary (Annexes A, B, C); Lupang Pangako Elem.; Cecilia Muñoz Palma HS; Donya Juana Elem.; Holy Spirit Elem.; Bagong Silangan Elem. at HS; San Diego Elem.; Fair­view Elem. (main at annex); North Fairview Elem. at HS; New Era Elem. at HS; Culiat Elem. at HS; Pasong Tamo Elem. at HS; at Manuel L. Quezon Elem. School. (Edwin Balasa)

ANNEXES A

BAGONG SILANGAN ELEM

BATASAN ELEMENTARY

BATASANG PAMBANSA

CECILIA MU

COMMONWEALTH ELEM

ELEM

HIGH SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with