^

Bansa

2 anak lang bawat pamilya

- Ni Malou Escudero -

Sa gitna nang patu­loy na pagtaas ng popu­las­yon ng bansa at sa pag­tutol ng Simbahang Ka­toliko sa reproductive health, nanindigan kaha­pon si Sen. Panfilo Lac­son na isusulong pa rin niya ang panukalang ba­tas na magkaroon ng “two child policy” sa bansa o limitahan la­mang sa da­lawa ang anak ng bawat pamilya.

Nakapaloob din sa panukala ni Lacson ang pagbibigay ng insentibo sa mga pamilya na su­sunod sa two-child po­ licy bilang tulong sa pag­kontrol sa populas­yon.

Sinabi ni Lacson na hindi magbabago ang kanyang paninindigan na dapat limitahan ang pa­nganganak sa Pilipinas upang mabawasan ang kahirapan.

Nakapaloob sa ilalim ng Senate Bill No. 43 o “An Act Creating a Reproductive Health and Population Management Coun­cil” na dapat mag­karoon na ng 2-child policy sa bansa.

Bibigyan ng scholarship sa kolehiyo o li­breng pag-aaral ng mga anak ng pamil­ yang ma­kasu­sunod sa panukala sa­kaling ma­ging isang ga­nap itong batas.

“In  order  to  attain the desired population growth rate, the State shall encourage two (2) children as the ideal family size. Children from these families shall have preference in the grant of scholarships at the tertiary level,” anang proposal ni Lac­son.

Pero nilinaw ni Lac­ son na bagaman at isi­nusu­long niya ang two-child policy, kontra siya sa anumang uri ng abortion.

Naniniwala si Lacson na kailangang umaksyon ang Kongreso para ma­ib­san ang problemang ki­nakaharap ng bansa ka­tulad nang kakula­ngan sa pagkain dahil sa lumulo­bong populasyon.

AN ACT CREATING

LACSON

NAKAPALOOB

PANFILO LAC

REPRODUCTIVE HEALTH AND POPULATION MANAGEMENT COUN

SENATE BILL NO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with