^

Bansa

Kill plot vs GMA nabuko

-

Nasa Metro Manila na umano ang liquidation squad ng New People’s Army (NPA) na naata­sang isakatuparan ang kill plot laban kay Pa­ ngulong Arroyo at iba pang mata­taas na opis­yal ng gob­yerno.

Ito ang ibinulgar ka­ha­pon ni AFP-NCRCOM Chief Major Gen. Arse­ nio Arugay  kaugnay ng pag­papakita ng ‘capability readiness ‘ o kahan­daan ng  Civil Disturbance  Ma­n­agement (CDM) team ng anti-destabilization units ng AFP para sa ga­ganaping State of the Nation Address ni Pa­ngu­long Arroyo sa Ba­tasan Complex sa dara­ting na Lunes (Hulyo 28). 

Sinabi ni Arugay na bukod sa Pangulo target ring itumba ang mga matataas na opisyal ng gobyerno, AFP, PNP at mga VIPs. 

Posible umanong isa­gawa ang kill plot sa SONA o matapos ang SONA.

Ayon kay Arugay, ang planong kill plot ay po­sibleng ganting bu­welta ng mga ito sa ultimatum ng Pangulo na durugin ang communist insurgency sa bansa bago matapos ang kaniyang termino sa 2010.

Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal ang kanilang kahandaan laban sa anumang banta sa buhay ng Pangulo at mapairal ang peace and order sa SONA. (Joy Cantos)

ARUGAY

CHIEF MAJOR GEN

CIVIL DISTURBANCE

JOY CANTOS

NASA METRO MANILA

NEW PEOPLE

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with