Pabahay sa tsuper pangungunahan ni VP Noli

Pangungunahan ni Vice Pres. Noli de Castro ang pormal na pagbu­bukas ngayong araw ng 2nd Philippine Real Estate Festival kung saan tampok dito ang pagkakaloob ng pabahay sa mga driver ng mga pampasaherong sa­sak­yan sa bansa.

Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni de Castro bilang Chairman ng HUDCC at ni Rose Basa, National President ng Phil. Real Estate Group ay mapapagkalooban na ng pabahay ang may 50 public utility drivers para may matawag na maayos at disenteng sariling tahanan.

Sa naturang okasyon, tampok din ang pagsasa­publiko ng mga Pinoy inventions para makamura ang mga car owners sa ka­nilang gastusin sa pagga­mit ng krudo, gasolina at diesel para sa kanilang sasakyan.

Pangungunahan ni LTO Chief Alberto Suan­sing ang awarding ng pa­bahay sa  pakikipagtu­lungan ni Cong. Rodolfo Valencia, House chairman ng committee on housing.

Sa kanyang panig, sinabi ni Orlando Mar­quez,VP ng Filipino Inventors Society na malaking pakinabang ang programa dahil kahit maliit lamang ang kita ng mga driver sa pamamasada ay magka­ka­roon na sila ng masa­sabing kanilang sariling tahanan. (Angie dela Cruz)

Show comments