Piston’di papasada tuwing weekend

Dahil na rin umano sa walang habas na linggu­hang pagtaas sa presyo ng krudo partikular sa diesel ay plano ng Pinag­kaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na huwag na munang bu­miyahe tuwing weekends upang hindi naman uma­no sila makaranas ng lubusang pagkalugi.

Sa panayam kay George San Mateo, secretary general ng Piston, pinag-iisipan na nila nga­yon na huwag na mu­ nang mamasada tuwing Sa­bado at Linggo upang makatipid sa gasolina tutal naman anila ay ma­dalang ang mga pasa­hero sa mga araw na ito dahil walang pasok ang karamihan sa mga es­kwelahan at opisina. 

Kinumpirma rin kaha­pon ng Piston na kasado na ngayong Huwebes, Hulyo 24 ang regionwide transport strike sa Southern Tagalog Region ha­bang pinaplantsa na rin ng kanilang grupo ang isa pang malawakang pam­bansang tigil-pasada anumang oras mula nga­yon.

Apektado ang mga lugar sa Cavite at Laguna at ang mga biyahe ng bus mula Baclaran na naka-istasyon naman sa Pasay City patungo sa mga lugar ng nasabing rehi­yon. Magsisimula ang tigil-pasada alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-6 ng gabi. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments