VP ng Sulpicio ipakukulong sa Kamara
Nagbanta si Cavite Rep. Elpidio Bargaza na ipako-contempt at ipakukulong sa loob ng Kamara ang vice president ng Sulpicio Lines kung hindi makapagbibigay ng garantiya na sasagutin nila ang gastos sa pag-aahon sa MV Princess of the Stars.
Sa ginanap na hearing sa Kamara, nainis si Rep. Bargaza dahil wala pa ring maipakitang pirmadong kontrata ang Sulpicio na magbibigay ng garantiya na sasagutin ang P300 milyong recovery operations.
Mahigit isang buwan na umano pero hindi pa natutupad ng Sulpicio ang pangako sa Kamara na irekober ang toxic cargo.
Ang Titan Salvage ang napili ng Sulpicio para i-retrieve ang mga kemikal at upang mag-ahon na rin ng tumaob na barko. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending