Inatasan kahapon ng Korte Suprema sina Senate President Manuel Villar at House Speaker Prospero Nograles na sagutin ang reklamo ni Senador Jamby Madrigal laban sa Commission on Appointments.
Hiniling ni Madrigal noong nakaraang buwan sa Mataas na Hukuman na ipatigil ang pagdinig ng CA sa confirmation ng mga opisyal ng pamahalaan hanggang hindi nagkakaroon ng reorganisasyon dito kasabay din ng panawagan na magbitiw ang mga miyembro nito bilang delicadeza.
Iginiit pa ni Madrigal sa kanyang petition na ilan sa mga miyembro ng CA ay hindi kuwalipikado at ang party composition ng CA ay hindi patas. (Gemma Garcia)