Tuluy na tuloy na ang pagbubukas ng NAIA Terminal 3 bukas (Martes) para sa domestic flight nito.
Ayon kay Tirso G. Serrano, asst.general manager for airport development and corporate affairs, sisimulan na ng Cebu Pacific Airlines ang kanilang domestic flights sa bagong NAIA 3. Kabilang sa bibiyahe ang mga eroplano ng Cebu Pacific ATR flights patungong Boracay sa Catiklan at sa mga lalawigan ng Naga, Tuguegarao at Mindoro.
May 200 police mula Aviation Security Group at MIAA-Airport Police Department at NAIA security personnel ang ipakakalat para sa mahigpit na seguridad dito.
Inaasahan namang susunod na mag-ooperate ang Philippine Airlines Express at Air Philippines para sa kanilang domestic flights at sa loob ng anim na buwan ay sisimulan na rin ang international flights sa NAIA 3.
Sinabi kamakailan ni MIAA General Manager Al Cusi na ang NAIA 3 ay maaaring maka-accomodate ng may 3.5 milyong pasahero para sa domestic flights na makakatulong sa congestion o pagsisikip ng mga pasahero sa Manila Domestic Airport. (Ellen Fernando)