^

Bansa

2 drug lab pinaiinspeksiyon sa BFAD

-

Hinamon ng distributor ng dalawang brand ng glutathione ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) na magsagawa ng independent tests at ins­peksyunin ang mga pa­silidad ng da­lawang la­boratoryo na nag-ek­samin sa kanilang mga produkto upang mabatid kung sino sa mga ito ang kuwalipikado para mag­sa­gawa ng “glutathione tests”.

Ang dalawang labora­toryo ay ang Adamson University Technology Research and Development Council (AUTRDC) at Ate­neo-based Philippine  Institute  of  Pure and Applied Chemistry (PIPAC).

Ang hamon ay ibi­nigay ng United Shelter Heath Products, distributor ng Lucida-DS at Va­niderm dietary supplement, kasunod ng ka­utusan ng BFAD na bawiin ang kanilang pro­dukto sa merkado base sa umano’y resulta ng PIPAC na ang mga ito ay walang glutathione content base sa sina­ sabi nila sa kanilang mga labels.

Kaiba naman ito sa pag­susuri ng AUTRDC na may 14.72 mg ng gluta­thione ang Lucida-DS ha­bang 498.69 mg ang Vaniderm.

Sinabi ni Dr. Lydia Crisostomo, Chief ng AUTRDC na hindi puwe­deng balewalain ang re­sulta ng pagsusuri dahil may kakayahan sila sa pagsasagawa nito.

Ayon pa sa kanila, tinanggap at ki­nilala ng BFAD ang kani­lang pag­susuri sa mga nasabing produkto. (Danilo Garcia)

ADAMSON UNIVERSITY TECHNOLOGY RESEARCH AND DEVELOPMENT COUNCIL

AYON

CRISOSTOMO

DANILO GARCIA

PURE AND APPLIED CHEMISTRY

SHY

UNITED SHELTER HEATH PRODUCTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with