^

Bansa

2 bodega sa Tondo sinalakay ng PASG

-

Sinalakay kamakalawa ng Presidential Anti-Smuggling Group ang dalawang bodega sa Tondo, Manila na nakumpiskahan ng milyun-miyong halaga ng mga produktong nagmula sa China at Hong Kong.

Isinagawa ng PASG ang pagsalakay dahil sa impormasyon na iniimbak sa naturang mga bodega ang mga kargamentong ipinuslit sa Port of Manila. Bunsod ito ng dalawang linggong surveillance ng PASG operatives sa pa­mumuno ni P/Supt. Johnny Bacbac.

Libu-libong kahon ng puslit na sapatos ang na­kumpiska sa isang bodega sa 166 Taliba St., San Ra­fael Village, Tondo na pina­mamahalaan umano ng C. Marketing at pag-aari ng isang Annie Co. Walang naipakitang papeles si Co para sa ligalidad ng mga kargamento.

Kasunod nito, sinala­kay ng PASG ang isa pang bodega sa 176 Taliba na pag-aari ng isang James Lim at nakuhanan ng mga garment, kitchen wares, sapatos, furniture at motor­siklo.

“Importers are given the privilege to pay minimal taxes provided their goods will not be for local market. They should export their goods. But we found out that many businessmen instead diverted their importation to the local market without paying the right taxes,” pahayag ni PASG Head Usec. Antonio “Be­bot” A. Villar, Jr. (Butch Quejada)

ANNIE CO

BUTCH QUEJADA

HEAD USEC

HONG KONG

JAMES LIM

JOHNNY BACBAC

PLACE

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SAN RA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with