^

Bansa

ARMM polls ipostpone muna - MILF

-

Hiniling kahapon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagpa­liban muna ang nakatak­dang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Minda­ nao (ARMM) nga­yong Agosto 11. 

Sinabi ng MILF sa ka­nilang website sa pama­magitan ni MILF chief negotiator Mohagher Igbal, ang nakatakdang ARMM elections ay posibleng makaapekto sa ongoing peace talks sa pagitan ng gobyerno at MILF. 

Ayon kay Igbal, kapag itinuloy ang ARMM elections ay magkakaroon ng impresyon na hindi talaga seryoso ang gobyerno at si Pangulong Gloria Arroyo na isulong ang ka­ paya­paan. 

Aniya, magiging sagka din ito sa pagsisimula ng transition para sa itatatag na Bangsamoro Judicial Entity (BJE) sa sandaling malagdaan ng gobyerno at MILF ang Comprehensive Compact dahil na rin kina­kailangang tapusin ng mga magiging opisyal ng ARMM ang kanilang ter­mino hang­ gang 2011. 

“Other local officials in the provinces, municipalities or cities purported to be included in the area of the BJE will finish their terms of office in 2010. President Arroyo’s term would end in June 2010,” wika pa ng MILF. 

Maging si Atty. Datu Michael Mastura na senior member ng MILF peace panel ay naniniwala na kapag ipinagpaliban ni Pangulong Arroyo ang eleksyon sa ARMM ay ipinapakita nito ang kong­kretong manipestasyon na pangunahing layunin ng kanyang adminis­trasyon ay maisulong muna ang kapayapaan sa rehiyon. 

Ipinabatid na ng MILF panel ang kanilang kahi­lingang ito sa Arroyo administration sa pamama­gitan ni Philippine chief negotiator Rodolfo Garcia bago nag­tapos ang peace talks ka­makalawa habang na­ngako si Garcia na gagawin niya ang lahat upang ma­ipagpaliban muna ang ARMM elections. (Rudy Andal/Joy Cantos)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO JUDICIAL ENTITY

COMPREHENSIVE COMPACT

DATU MICHAEL MASTURA

MILF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with