Rapist dumarami – PNP
Dumarami ang mga rapist sa bansa matapos manguna sa tala ng pambansang pulisya ang rape sa ‘crime against person.’
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon Jr., nakakagulat dahil matapos siyang dumalo sa kumperensya ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), sa halip na theft o robbery ay rape ang tumaas.
“It’s significant dahil hindi robbery ang nakita nating nag-rise sa crimes against person, rape and tumaas”, pahayag ni Razon.
Sinabi ni Razon na pinag-aralan na ng PNP sa kasalukuyan kung bakit tumaas ang kaso ng rape sa bansa kumpara sa homicide at iba pang kaso na nahahanay sa ‘crime against person.’
Hindi naman umano nila inaalis na ang paglaganap ng pornographic materials
Karamihan rin sa mga biktima ay mga bata kung saan ang mga nang-molestiya sa mga ito ay mismong kanilang mga kadugo.
Samantala nakababahala rin na maging ang mga menor-de-edad ay nasasangkot na rin sa mga kaso ng rape. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending